Matapos maipost ng isang netizen sa social media ang nangyari kay tatay Rodrigo Villa, agad itong umani ng simpatya at tulong mula sa mga netizens.

Isang araw mula ng maipost ang larawan ni tatay ay umani agad ito ng 135 thousand shares at mahigit 9 thousand na reaction.

Ayon kay Acoh C Maldithaa Babaitha, ang nag-post, si tatay Rodrigo umano ay taga Ibaan, Batangas at kasalukuyang nasa Balibago Sta. Rosa, Laguna.

Kwento niya, pinalayas umano si tatay ng mismong anak nito kung kaya napaiyak ito.

Hindi kompleto ang detalye ng nangyari kay tatay ngunit humihingi ng tulong ang concerned netizen na makabalik siya sa kanyang pamilya.





Image may contain: 1 person, standing and outdoor




Basahin ang kanyang buong post:

"Kung sino man po ang nkakakilala ke Tatay Rodrigo villa taga iba an batangas city.. tulungan nyo po sya pinalayas dw po sya ng anak nya... Dto po sya sa balibago sta Rosa. pki share naman po para malaman at mkita ng iba pa nyang kamag anak... salamat po."

Samut-saring reaction naman ang ibinahagi ng mga netizen sa naturang post. Ang ilan ay naawa sa kalagayan ni tatay at ang iba naman ay naglabas ng sama ng loob sa ginawa ng anak sa kanyang ama.




Kung sino man po ang nkakakilala ke Tatay Rodrigo villa taga iba an batangas city.. tulungan nyo po sya pinalayas dw po...
Posted by Acoh C Maldithaa Babaitha on Thursday, October 31, 2019

Post a Comment

Loading...