Nagulat ang mga netizen matapos makita ang maraming pera na nakasabit sa suot ng bagong kasal kung saan umabot lang naman ang pera ng P629,000.

Pinagkakaguluhan ngayon online at kinaiinggitan rin ng mga netizen ang nakuhang pera ng bagong kasal sa Dvao City nitong Enero 22, Miyerkules.

Ang post ay ibinahagi ni Ernie Piamonte Balili, tumatagingting na P629,000 umano ang nakuha ng bagong kinasal.

Photo courtesy: Ernie Piamonte Balili/ Facebook
"Wow 629,000 rmn ang giabot sa prosperity dance kron hahahahahahaha....naa pa kahay mkabreak aneh nga record 😆😆😆? #sanaAll," saad ni Ernie.

Sa mga larawan, makikita na halos tig 1,000 at 500 peso bills lamang ang makikitang nakasabit sa suot ng groom at bride.

Photo courtesy: Ernie Piamonte Balili/ Facebook
Kaya naman labis na namangha ang mga netizen dahil bibihira lamang makakita ng ganoon kadaming pera na matatanggap sa prosperity dance.

Samantala, ibinahagi naman ni Jan Marianed Casten Faeldonia ang ibang larawan na kasal rin ng kapatid ng bride. Gaya ng bagong kasal, ganito rin ang eksena sa kasal ng kanyang kapatid na tila tradisyon na nila ito tuwing may kinakasal sa pamilya.

Photo courtesy: Jan Marianed Casten Faeldonia/ Facebook

Photo courtesy: Jan Marianed Casten Faeldonia/ Facebook
Ang magkakapatid na Casten ay maituturing na mapalad ng mga netizen dahil sa laki ng pera ng kanilang natatanggap sa kanilang kasal.

Nakagawian na talaga ng mga Pilipino ang magkaroon ng money dance sa kasal. Ang pagsasayaw ng bagong kasal ay isang praktikal na paraan upang makatanggap sila ng monetary gifts mula sa mga bisita. 

Ang pera ay magsisilbing panimula para sa kanilang panibagong yugto ng kanilang buhay mag-asawa.

Kaya hindi maiwasan ng mga netizen na maiinggit dahil sa laking halaga na nakuha ng bagong mag-asawa sa araw ng kanilang kasal.

Nagmistula ring pamaypay ang mga perang nakasabit sa damit ng kinasal.

Umabot naman ng 14,000 ang nag-share ng naturang post at mayroong 3,800 reactions mula sa mga netizen.

Post a Comment

Loading...