Ibat ibang paraan talaga ang ginagawa ng maaming Pilipino para makapag-abot lamang ng tulong para sa mga apektado ng bulkan Taal.

Gaya na lamang ng viral photo na ito kung saan makikita ang maraming washing machine na nakahilera sa daan.

Ayon sa post ng The News Spy, nagsagawa ng "free laundry" ang ating mga kaabayang pinoy upang makatulong sa mga evacuees.

Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong nagbigay ng libreng laba. Ngunit isa lamang ang sigurado na  kasali sila s alibo-libong pinoy na nagmalasakit in paa sa mga apektado ng bulkan.

Photo courtesy: Maria Carolina V. Dominguez 


Photo courtesy: Maria Carolina V. Dominguez 

Marahil dahil marami ng nagbigay ng relief goods, naisipan naman ng grupong ito na iba naman ang kanilang ibigay.

Sa mga larawan makikita rin ang pag set-up ng grupo ng washing machines upang gumana at magamit ng mga evacuees.

Madilim pa lamang ay naroon na sa Batangas ang grupo. May tubig rin sila na inihanda na nakalagay sa malaking water container.

Photo courtesy: Maria Carolina V. Dominguez 


Photo courtesy: Maria Carolina V. Dominguez 

Nakapalaking ginhawa ang kanilang tulong na ibinigay para sa mga evacuees na gustong maglaba ng mga damit.

Kaya naman masaya pa rin ang mga netizen sa pagbabayanihan ng mga Pilipino. Kahit mag-iisang Linggo na ang lumipas matapos ang pag-aalburoto ng Taal ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga tulong sa mga evacuees.

Photo courtesy: Maria Carolina V. Dominguez 
Ang Batangas ay nasa state calamity pa rin matapos ang pagpput0k ng bulkan Taal na naging sanhi ng ashfall. Kaya naman kinansela rin ang pasok sa mga paaralan at pinalikas ang mga residente na apektado.

Post a Comment

Loading...