Mukhang hindi pa rin naatapos ang kalbaryo ng ating mga kababayang apektado ng bulkang Taal dahil posible pa umanong mangyari ang pinangangambahang malakas na pagsabog ng bulkan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), hindi pa rin ligtas na bumalik ang mga residente malapit sa Taal dahil posible pa rin itong sumabog.

Ito ay batay umano sa kanilang ginawang pagsusuri sa bulkan. Hindi pa rin umano dapat na magpakampante ang lahat ng mga nasa danger zone.

Saad ni Phivolcs Director Renato Solidum, binigyang diin niya na posible pang magbago ang kondisyon ng bulkan lalo na't ang magma na galing sa ilalim ay napupunta nang ibabaw.

Dahil sa posibilidad na ito, naging usap-usapan ngayon ang bagong update ni Pinay psychic na si Hayi "Mamu" Cruz.

Sa loob lamang ng limang oras ay umabot na ang share nito sa mahigit 10,000 at mayroon ring 12,000 na reaksyon.

Nauna ng pinag-usapan si Mamu ng magkaroon siya ng interview sa KMJS at bago paman sumabog ang bulkan Taal ay na-predict na niya ito.

Sa panibagong post ngayon ni Mamu sa kanyang social media account na
Mamus Rare Premonitions. Isinalaysay niya ang kanyang nakita sa kanyang panaginip.

Aniya, hindi niya masigurado kung bulkan Taal ang kanyang napuntahan ngunit dinala umano siya ni Marikit sa isang "tahimik at madilim na kweba."

Sa kanyang pagtatanog kay Marikit kung Taal nga ba ito, ay mayroong boses na lalaki ang sumagot sa kanya.

Bigla umano nag-iba ang paligid at napunta na siya bigla sa paa ng bundok.

Aniya, tila humihinga ang bundok dahil gumagalaw ito. Nararamdaman umano niya na parang malapit na itong sumabog.

Naglakas loob si Mamu na tanungin ang lalaki kung kailan ito sasabog at hindi naman siya nabigo. Ngunit isang nakakakilabot na sagot ang kanyang narinig.

"Pebrero hinntayin niyo ang pinakamalakas na pagsabog na gigimbal sa buong mundo tapos ang huling narinig ko na lang ay 8," saad ni Mamu.

Paliwanag ni Mamau, hindi siya alam kung ang numerong binanggit ay petsa o oras o araw. Ngunit isa lamang ang sigurado niya na mangyayari ito ngayong Pebrero.

Nilinaw naman ni Mamu sa kanyang post na hindi pananakot ang kanyang intensyon. Nais lamang niyang magbigay ng babala at isapubliko ang kanyang mga pangitain.

Basahin ang kanyang buong post:

TAAL VOLCANO...
MAY SASABIHIN AKO SA INYO PERO HINDI PANANAKOT...
KUMONEKTA AKO KAY KIT KANINANG MADALING ARAW..
TINANONG KO KUNG ANONG LAGAY NG MAKISIG NA TAAL,KUNG TAPOS NA BA ITONG MAG ALBUROTO,KUNG ANO ANG PLANO NG TAAL NA ITO..
DINALA NIYA KO SA MISMONG SCENARIO..
ISANG TAHIMIK AT MADILIM NA KUWEBA NAGLAKAD AKO SABI KO MARIKIT ITO BA ANG ILALIM NG TAAL?EWAN KO OUT OF NOWHERE NAKARINIG AKO NG BOSES NG ISANG LALAKE,,SABI NIYA ANONG KAILANGAN MO,SAGOT KO GUSTO KO LANG MALAMAN ANG LAGAY NG TAAL MADAMI NA KASING NAAAPEKTUHAN,SA ISANG KISAP MATA NASA HARAPAN NA AGAD AKO NG ISANG LUPANG PARANG BUNDOK NA HINDI KO ALAM KUNG HUMIHINGA BA KASI GUMAGALAW, ACTUALLY NAKARAMDAM AKO NG TAKOT PERO LAKAS LOOB AKO NAGSALITA AT ANG NASA ISIP KO KAILANGAN KO NG UMALIS SA LUGAR NA ITO
KASI PARANG ANYTIME SASABOG ANG GUMAGALAW NA LUPA,SABI KO NA LANG NG PASIGAW KELAN KA BA SASABOG BIGLANG MAY SUMAGOT NG NGAYON PEBRERO HINTAYIN NYO ANG PINAKAMALAKAS NA PAGSABOG NA GIGIMBAL SA BUONG MUNDO TAPOS ANG HULING NARINIG KO NA LANG AY 8....
DINILAT KO ANG MGA MATA KO SABAY TANONG KO SA SARILI KO...
TAAL NG BA ANG NAPUNTAHAN KO??
O
NANANAGINIP LANG BA AKO??
O
DINIREKTA NA AKO NI MARIKIT SA MISMONG TAGA BANTAY NG BULKAN TAAL???
UNTIL NOW NAG IISIP AKO.....
FEBRUARY ANG NABANGGIT NIYANG BUWAN...
PERO ANO YUNG 8????
PETSA?
ORAS?
ARAW?
HAIST...

Post a Comment

Loading...