Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan inangasan ng nagpakilalang pulis ang isang street vendor matapos mapikon ang umano'y pulis.

Umani ng batikos ang nagpakilalang pulis dahil sa kanyang pag-asta sa street vendor.

Napag-alaman ng mga netizen na hindi pala ito totoong pulis, ngunit isang security guard.
Photo courtesy: Oskey Salazar/ Facebook

Dahil sa galit ng mga netizen sa kanyang pagiging arogante ay natukoy pa ang pagkakakilanlan ng lalaki.
Naharap ang social media account ng lalaki na kinilalang si Rex Baltisoto. Sa kanyang mga laawan ay namakikitang nakasuot ng uniporme na pang guwardya ang lalaki.
Photo courtesy: Oskey Salazar/ Facebook

Photo courtesy: Oskey Salazar/ Facebook

Makikita sa video ang pagtapon ni Rex sa dalawang stick ng street food.

Dahil doon ay umalma ang street vendor, ngunit hinamon pa siya ni Rex at sinabing magtawag umano ito ng pulis.

"Tawag kang pulis (sabay kalabit sa vendor), tawag kang pulis. Pulis din ako eh,) saad niRex Baltisoto.

Nakangiti pa ito na tila inaasar niya ang vendor. Maririnig rin sa video na paulit-ulit na sinasabi ng lalaki na pulis siya.

Hindi na lamang umimik ang mga vendor at nagpatuloy lang sa pagtitinda. Ngunit ang umano'y pulis ay hindi pa rin tumitigil hanggang sa matapos ang video.

Ang video ay ibinahagi ng Rhom Jho Ride Journey page kung saan umabot na ng 94,000 shares at 37,000 reactions.

Galit na galit ang mga netizen sa inasta ng nagpakilalang pulis. Aniya, nakapayabang umano nito at nagpakilala pang pulis.

Lahat ng reaksyon ng mga netizen ay 'di kaaya-aya patungkol sa lalaki dahil sa kanyang pag-aangas sa kawawang vendor.

Samantala, ayon kay netizen Michael Gonzaga, ay guwardya umano si Rex sa SM Trinoma.

Michael Gonzaga, "Si rex baltisoto hindi pulis yan. gwardia yan sa sm trinoma."

Panoorin ang buong video:






Post a Comment

Loading...