Muli namang pinag-usapan online ang sikat na Syrian vlogger na si Basel matapos siyang magluto ng chicken Kabsa para ipamigay sa mga apektado ng Taal volcano.

Si Basel ay mas kilala sa kaniyang "The Hungry Syrian Wanderer" vlog. Hinangaan muli siya ng mga Pilipino dahil sa walang sawang pagtulong sa mga evacuees.

Ngayong Linggo ibinahagi ni Basel ang kanyang cooking skills. Kung saan ipinagluto niya ng chicken Kabsa, isang sikat na Syrian dish ang mga evacuees.


Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook

Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook
 Ayon sa kanya, nasa 1,103 pirasong chicken wings ang kanilang naluto.

Sa tulong naman ng kaniyang dalawang kaibigan ay nakapaghanda sila ng pagkain sa loob ng 11 na oras.

Kwento pa ni Basel, umabot daw siya ng limang balik na pagsasaing upang magkasya ang kaning gagamitin para sa chicken Kabsa.
Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook
Dagdag pa niya, umabot ng pitong oras ang paghahanda at pagluluto nila ng pagkain. Samantala, umabot naman ng apat na oras para ma-pack nila ito lahat.

May pusong pinoy talaga si Basel dahil mula paman noon ay tumutulong na siya sa mga pinoy na nasalanta ng kalamidad.
Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook

Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook
Nauna ng napudpod ng tulong si Basel sa Batangas.Namigay siya ng mga libreng face mask matapos pumut0k ang balitang nagkaka-ubusan na ng supply.

Sumunod naman nito ay bumalik siya sa Batangas upang mamahagi naman ng tubig, diaper, kumot, damit, at emergency kit.

Namigay rin si Basel ng pagkain para sa mga alagang hayop na na-rescue.

Pinatunayan talaga ni Basel na isa siyang "Pinoy at heart" dahil handa siyang tumulong sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook
Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer/ Facebook
Pinuri in ng mga netizen ang pagiging matulungin at mapagbigay ni Basel. Nagpasalamat rin sila sa napakalaking tulong na naibigay nito sa mga evacuees.

Basahin ang kanyang buong post:


🇵🇭 Will drive around Batangas and near Taal again today. My first time ever to cook 1,103 pcs of Chicken Wings in ONE GO! (I really counted so I'm aware of the packed meals I'll be distributing today. 😊) and made Chicken Kabsa, a famous Syrian dish (very similar to Chiken Biryani, if familiar). Topped with nuts, cashew, (didnt find pistachios) etc.I added dates na din hehe. Not exactly complete ingredients but very close and did my best to finish 5 rounds of big giant kawa!

I used local Filipino rice instead of Basmati rice. I cooked 5 rounds of rice using big commercial rice cooker. I never cooked before I left Syria, so my mom would be so proud once she sees this haha. Shout out to my mama, eto na po yung anak nyong puro kain lang at walang alam sa pagluluto dati 😂
total hours of preparation & cooking 7 hours, packing 4 hours. with a total of 3 manpower haha 💪🇵🇭 #1000pcsMealsKalangFilipinoAko



Post a Comment

Loading...