Viral ngayon sa social media ang hinanaing ng isang biktima ng bulkan Taal matapos umano silang tanggihan papasukin sa evacuation center sa Sto. Tomas gym sa Batangas.

Naglabas ng saloobin si Ghielian Carandang sa kanyang Facebook account dahil sa pagtrato sa kanila ng isa umanong MSWD employee na nangasiwa doon sa evacuation center.

Kwento ni Ghielian, nagtungo sila sa Santo Tomas evacuation center dahil naroon rin ang kanyang mga magulang. Ngunit laking gulat nila matapos silang tanggihan na tanggapin doon.

Aniya, residente siya ng Poblacion 7 sa Talisay City, Batangas. Nagtungo sila doon sa evacuation upang makatanggap ng tulong at kailangan ng kanyang pamilya ang ligtas na lugar.

Ngunit hindi umano niya inakala na tatanggihan siya doon ng isa sa mga nangangasiwa doon na si Ma'am Tess ng MSWD.

Photo courtesy: Ghielian Carandang  / Facebook

Ayon umano sa babae ay hindi na sila pwede doon dahil puno na ang evacuation center.

Obserbasyon ni Ghielian, may espasyo pa daw doon na magkakasya pa sa kanyang pamilya ngunit pilit pa rin silang tinanggihan.

Ang kanyang ina umano na si Raquel Carandang ay gumawa na ng hakbang at nakiusap sa mga nangangasiwa na kung maaari ay tanggapin sila.

Photo courtesy: Ghielian Carandang  / Facebook

Photo courtesy: Ghielian Carandang  / Facebook

Kalaunan daw ay pumayag ang babae ngunit pinagbawalan umano silang manghingi ng kumot at banig dahil ubos na daw ito.

Saad ni Ghelian na marami pang sleeping kit ang naroon ngunit laking pagtataka niya kung bakit ayaw naman silang bigyan na ito ang higit nilang kailangan ngayon.

"Pero madami nman pong nakalaan na sleeping kit para sa mga apektado ng bulkan. Bundok bundok pa nga po," kwento niya.

Ayon kay Ghelian nang humingi na siya ng mga kagamitan sa mga nakatoka doon ay walang pagdadalawang isip daw na binigyan sila ng kanyang mga anak.

Ngunit dahil umeksena naman ang babae na tinawag nilang Ma'am Tess ay hinarang naman umano sila. Bigla daw itong nagalit sa kanila dahil sa hindi sila nagpaalam.

Kaya laking pagtataka niya kung bakit ganoon sila itrato ng babae na higit nila kailangan ang tulong dahil biktima rin sila ng bulkan Taal.

"Hindi ko po maintindihan kung bakit kami pinagdadamutan ng taong ito??? Diba dapat tulungan nya kami ksi hindi maganda ang sitwasyon nmin ngayon??? May naka2kilala po ba sa babaeng ito?? Baka nman po maga2wan ng paraan ang ginagawa smin dito ng babaeng ito.." saad ni Ghielian.

Hindi rin maipagkakaila sa larawan na ibinahagi ni Ghielian na marami pa talagang supplies doon na nakalaan para sa mga evacuees.

For reference, basahin ang kanyang buong post:


Hi everybody isa po ako sa mga nasalanta nang bulkang taal . Ako po ay residente ng pob. 7 sa talisay at ngayon pong araw na ito npunta kami ng asawa ko at anak ko dito sa sto. Tomas gym . isa sa mga evacuation center para sa mga nasalanta ng bulkan. Pagdating po nmin dito hindi po kami tinanggap nang babaeng ito puno ndaw po pero base sa nakita nmin may space pa poh para samin.

Nakiusap po ang aking ina na c Raquel Carandang para makasama kami dito may mga tao pa po sya nilapitan para lang pumayag ang babaeng ito.. Ang sabi poh nya cge daw poh tatanggapin nya daw po kmi pero wag daw po kami manghi2ngi ng kumot at banig kasi wala ndaw po.pero madami nman pong nakalaan na sleeping kit para sa mga apektado ng bulkan. Bundok bundok pa nga po.
Kinailangan po namin nang pamalit nang damit kaya lumapit po ako sa mga nka assign para sa mga pinami2gay na damit at sinabi ko po na bagong dating lang ako agad po nila akong binigyan ng damit at pati kumot inabutan pa po nla ako at ang anak ko pero agad pong lumapit itong c Mam Tess daw hnd ko po alam 22o nyang pangalan MSWD daw po sya dito sa sto. Tomas gym. Agad po syang nagalit bakit daw po ako nakuha hindi daw po ako nagpapaalam pero nagpaalam po ako bago kumuha madami nakasaksi kc ksma ko mga kapatid ko at may iba din na napahiya sa paninita nya.

Hindi ko po maintindihan kung bakit kami pinagdadamutan ng taong ito??? Diba dapat tulungan nya kami ksi hindi maganda ang sitwasyon nmin ngayon??? May naka2kilala po ba sa babaeng ito?? Baka nman po maga2wan ng paraan ang ginagawa smin dito ng babaeng ito...

Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen. Ramdam ng mga netizen ang pinagdaraang hirap ng mga biktima ng bulkan Taal.

Maraming netizen ang bumatikos sa babae dahil sa kanyang hindi patas na pagtulong. Maraming kababayan natin ngayon na nasalanta ay higit na nangangailangan ng tulong upang makabangon muli dahil sa sakuna.

Saad ni netizen Princess Dianne Vargas Aseron, "Matuto tayong maging patas. Pag ndi para sa inio, ndi para sa inio! Nanjan ba kau para tumulong? O pra magbulsa ng ibinibigay ng mga tao.. Nakita nio naman kung gaano nagsasama sama ang lahat ng taong bayan for donations! Napaka dami! Tpos ganyan kau. Sa kanila yan lahat. Ndi para sa inio! Ibigay nio yan sa nangangailangan! Kakagalit!"

Pahayag naman ni Al-nazir Dela Cruz, "Irereport ko yan sa provincial council namin, kapal ng mukha ano ititinda mo ba yan... Kakadismaya ka sitwasyon ng mga tao nakikita mo gaganyanin mo...ano ka hinulmang tao lang de puta.. Lumayas ka sa batangas kakadismaya ka sana masabugan ka animal😏"

Bwelta ni RA Fragrance, "Parang sya ang may ari ng gym..namimili ng ptutuluyin..kakahiya ka bukod tangi ka yatang madamot sa lahat.."

Dagdag naman ni netizen Arbella Serna, "Dito nalang po kayo sa Tuy Batangas halos nandito po kaming mga Carandang. Marami pong Carandang dito. Mas matututukan pa po kayo dito. Safe po at okay po dito walang umaastang madrasta. Basta po manalig tayooo. Godbless po."

Post a Comment

Loading...