Tumambad sa mga residente ng Sawang, Romblon ang sandamakmak na piyak na isda na nahuli ng mga mangingisda nitong Sabado.

Pinagkaguluhan ng mga taga sawanang ang maaming isda na nahuli ng mga mangingisda.

Nitong nakaraang araw lang ay naiulat ang pagdagsa ng mga tulingan sa kanilang baybayin na maituturing na isang biyaya.

 Photo courtesy: Lea Manungay

Dahil nga bihira lang itong mangyari, nilinaw naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ang pagdating ng sandamaksak na tulingan nitong Enero 17 ay walang kinalaman sa pagputok ng bulkan Taal.

Bagama't nakakagulat ang ganitong eksena, nakapagbigay naman ito ng tuwa sa mga residente dahil sa daming isda ang kanilang nakuha.
 Photo courtesy: Lea Manungay

 Photo courtesy: Lea Manungay


Ang larawan na in-upload ni Lea Manungay ay umani ng agad ng 3,300 shares sa loob lamang ng tatlong oras.

Sa mga larawan, makikita na pinagkaguluhan ito ng mga tao. Magtatalonan pa nga ang mga buhay pang piyak na isda.

Namangha naman ang mga netizen sa kanilang natunghayan at nagpalasamat sa biyayang natanggap ng mga taga Sawang, Romblon.

Saad naman ni netizen Lea, nakapaswerte umano ng mga residente sa Sawang dahil matapos dumagsa ang tulingan doon, ay itong mga piyak naman ang dumating.

"Panibagong maliliit na isda (Piyak) na naman ang dumagsa sa Barangay Sawang, Romblon, Romblon.Thanks God. Napakaswerti ng mga taga Romblon, Romblon lalo na ng mga residente sa Barangay Sawang," saad ni Lea.

Bagsak presyo ngayon ang bentahan ng isda sa kanilang palengke dahil sobra-sobra ang supply ng isda.


Post a Comment

Loading...